Mass gatherings, bawal pa rin sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa GCQ

Muling nagpaalala ang Malacañang sa publiko na dapat nilang irekonsidera ang kanilang plano kung nais nilang dumalo sa mga malalaking pagtitipon sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bawal pa rin ang mass gatherings sa GCQ areas bilang pag-iingat sa COVID-19 outbreak.

Nasa 10 katao lamang ang pinapayagan para sa pagtitipon sa GCQ.


Nasa 70% lamang ng kapasidad ang pinapayagan sa mga restaurant.

Sa ilalim ng guidelines ng government task force, mass gatherings tulad ng movie screenings, concerts, sporting events at iba pang entertainment activities, community assemblies at non-essential work gatherings ay bawal sa GCQ areas.

Facebook Comments