Mass hiring ng mga vaccinators, inihirit ng isang kongresista

Inirekomenda ni Assistant Majority Leader Fidel Nograles, ang “mass hiring” ng mga vaccinators.

Batay sa suhestyon ng kongresista, dapat nang mag-mass hiring ng nurses at medical technologists para mapabilis ang vaccination drive ng bansa lalo pa’t sinimulan na ang bakunahan sa menor de edad.

Giit ng mambabatas, mahalaga na mapabilis ang national vaccination rate ng bansa upang matiyak na makakamit ang herd immunity bago matapos ang taon o mas mapaaga pa.


Naniniwala rin ang Rizal representative na ang hakbang na ito ay makatutugon sa parehong problema sa public health at unemployment.

Dagdag pa ng kongresista, importanteng magawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang mapabilis ang economic recovery ng bansa.

Aniya pa, nasa tamang landas din ang bansa dahil bukod sa mga nakatatanda ay mabibigyan na rin ng full-protection ang mga kabataan at hindi malayong makakabalik na sila sa klase at ang mga Pilipino sa new normal.

Facebook Comments