MASS INDUCTION NG FPTA, SPTA OFFICERS, ISINAGAWA

Nagsagawa ng mass induction ang mga bagong opisyal ng Federation of Parent-Teachers Association (FPTA) at School Parent-Teachers Association (SPTA) sa Dagupan, bilang pagtatalaga sa kanilang pananagutan at serbisyo para sa kapakanan ng mga estudyante.

Binigyang-diin ng inducting officer ang kahalagahan ng edukasyon bilang pangunahing prayoridad ng pamahalaang lokal at ang suporta nito sa mga programa para sa kabataan.

Kasama ang iba pang opisyal at mga konsehal, pinuri ang sama-samang pagkilos ng mga guro, magulang, at lokal na pamahalaan upang mas mapaunlad pa ang kalagayan ng mga estudyante sa lungsod.

Ang serye ng mga paglilingkod na ito ay parte ng pangakong ipagpapatuloy ang pagtutulungan para sa mas ligtas at mas maunlad na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments