Mass production ng test kits para sa ASF na gawang Pinoy, sisimulan na ngayong buwan

Sisimulan na ngayong buwan ang mass production ng test kits para sa African Swine Fever (ASF) na gawa mismo ng mga Pinoy.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar, nagmula sa Central Luzon State University ang mga siyantipikong gumawa ng nasabing test kit.

Ipamamahagi naman ito sa mga lokal na gobyerno kung saan naitatala ang ASF.


Matatandaang hanggang nitong Disyembre 2020, nasa 400,000 mga baboy na ang pinatay simula nang umatake ang ASF virus noong Agosto 2019.

Facebook Comments