Mass relief ng Davao City Police Office officers, ipinag-utos

Sinibak ng Police Regional Office, Davao Region PRO-11 ang direktor ng Davao City Police Office at 19 na police station commanders.

Ang kautusan ni PRO-11 Regional Director PBGen. Nicolas Torre III ay matapos madiskubre ang 22 patayan at 41 rape cases sa Davao mula lamang Enero hanggang Mayo ngayong taon kung saan mayroong discrepancy sa kanilang crime statistics.

Ayon kay PRO-11 spokesperson, PMaj. Catherine Dela Rey, ang reassignment ng mga police officers ay bahagi ng nagpapatuloy na hakbang ng pamahalaan upang mapanatili ang integridad at pagiging epektibo ng pulisya.


Samantala, para maiwasan ang pagkakaroon ng bakanteng puwesto, itinalaga muna ang tauhan mula sa police provincial offices at regional headquarters ng PRO 11.

Facebook Comments