Idineklara nang ilegal sa Estados Unidos ang pagmamay-ari ng bump stock.
Ito ay isang uri ng gun accessory, ginagamit ito sa mga rifle gun para tumaas ang firing rate nito o mabilis na pagpapaputok na parang ‘machine gun’.
Ipinag-utos ni U.S. President Donald Trump ang ban matapos ang sunud-sunod na mass shooting sa Amerika.
Binigyan ng hanggang March 31, 2019 ang mga nagma-may ari ng gun accessory na i-surrender o sirain ito.
Matatandaang ginamit din ang kaparehas na gun accessory sa nangyaring mass shooting sa Las Vegas kung saan nasa 58 ang nasawi.
Facebook Comments