MASS SHOOTING | DFA patuloy na mino-monitor ang lagay ng mga Pinoy sa Maryland

Inaalam na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Maryland, USA matapos ang insidente ng mass shooting kahapon.

Pero sa inisyal na impormasyon na nakalap ng DFA ay walang Pinoy casualties ang naitala.

Sa nasabing pamamaril, 3 ang nasawi at 3 ang sugatan makaraang walang habas na mamaril ang isang 26-anyos na babaeng suspek na kalaunan ay nagbaril din sa sarili.


Naganap ang insidente malapit sa isang pharmacy distribution centre sa Perryman, malapit sa Baltimore.

Hindi pa rin malinaw ang motibo sa naturang pamamaril.

Facebook Comments