Mass stabbing incident sa Japan, kinondena ni PRRD

Mariing kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mass stabbing incident sa Kawasaki, Japan.

Ipinahayag ng Pangulo ang kanyang pagkagalit at pagdadalamhati sa insidente na ikinamatay ng isang babaeng estudyante habang 15 ang sugatan.

Ayon sa Pangulo – nagpapaabot siya ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.


Aniya, nakikiisa ang Pilipinas sa Japan sa paghahatid ng hustisya sa mga biktima ng karumal-dumal na karahasan.

Facebook Comments