Mass Swab Testing, Isasagawa sa 5 barangay sa Solano, Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Magsasagawa ng mass swab testing sa limang (5) barangay ang Lokal na Pamahalaan ng Solano sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ngayong araw.

Ito ay dahilan ng patuloy na pag-akyat ng mga pasyenteng nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon sa pahayag ni Mayor Eufemia Dacayo, ito ay para sa mga contacts, sub-contacts, at line list ng lahat ng nag-positibo sa COVID-19.


Kinabibilangan naman ng mga barangay Bagahabag,Quezon, Quirino, Roxas at San Luis ang nakapagtala ng maraming kaso.

Una nang inirekomenda ni DOH Asec Atty. Charade Mercado-Grande ang pagsasagawa ng mass testing kontra COVID-19.

Umaasa naman ang LGU Solano na hindi na madaragdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus.

Sa ngayon ay nasa kabuuang 173 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang 144 ang nananatiling aktibo sa nasabing virus.

Facebook Comments