Mass swab testing sa Maynila, muling ilulunsad simula ngayong araw

Muling ilulunsad ang mass swab testing ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga market vendors, mall workers, hotel employees at public utility drivers simula ngayong araw matapos itong pansamantalang ihinto dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Alinsunod ito sa pagprayoridad ng Manila Health Department (MHD) na magpatuloy sa paghahatid ng serbisyong medikal sa mga Manileño lalo na’t naririyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Samantala, mananatili namang sarado ang walk-in at drive-thru COVID-19 serology testing centers ng lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente na dadayo pa sa mga testing center.


Paalala naman MHD sa publiko, patuloy na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa kanilang anunsyo hinggil sa mga medikal na serbisyong handog ng pamahalaang lungsod.

Facebook Comments