Kasunod nang paghirit ng Cebu at Mandaue Local Government Units (LGUs) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili muna sila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Nagpapatuloy ang isinasagawang mass testing sa mga nabanggit na lugar kasama na ang Lapu-Lapu City.
Ayon kay Office of the Presidential Assistance for the Visayas Assistant Secretary Jonji Gonzales, layunin ng kanilang strategic mass testing o Project Balik-Buhay na maisailalim ang nasa 46,000 na households sa COVID-19 rapid testing.
Base kasi sa pag-aaral ng mga eksperto, 80% ng may COVID-19 ay asymptomatic o walang sintomas kaya nais muna nilang magsagawa ng mass testing sa Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu City bago tuluyang i-relax ang restrictions sa mga nabanggit na lugar.
Sa ngayon, 50% na ng rapid testing sa Cebu ang natatapos habang halos nasa 100% na sa Mandaue at Lapu-Lapu City.
Paliwanag ni Gonzales, ang Department of Health (DOH) Region 7 ay kumuha ng 10 brands ng rapid test at isinalang dito ang positibo at hindi positibong pasyente ng COVID-19 at isinama sa PCR test.
Sa 10 brand, apat lang dito ang nagbigay ng halos 100% accuracy kung kaya’t ito ang ginagamit ngayon sa mass testing sa Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu City.