Patuloy pa rin ang isinasagawang swab at rapid testing para sa COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa datos ng Manila Public Information Office, mula noong April 13, 2020 ay umabot na sa 3,898 indibidwal sa Maynila ang sumailalim sa swab test.
Habang nasa 7,807 rapid test naman ang isinagawa sa lungsod upang agad na matukoy ang mga positibo sa virus sa lungsod.
Sa ngayon, nasa 876 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila kung saan 83 dito ang naitalang nasawi.
Facebook Comments