Mass testing, pinaghahandaan na rin ng Taytay, Rizal Government

Inihayag ngayon ni Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula na pinaghahandaan na nila ang pagsasagawa na mass testing para sa mga person under investigation (PUI), persons under monitoring (PUM) at mga frontliner matapos na makapagtala sila ng 30 na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Gacula, dumating na ang mga test kits na in-order nila mula pa sa ibang bansa para masagawa ng mass testing dahil noong nakaraang April 13 pa umano ang mga frontliner at health worker na-expose sa COVID-19.

Paliwanag ng alcalde, hindi naging madaling proseso ang pagbili ng rapid test Kits dahil, ayon sa direktiba ng Department of Health (DOH), hindi maaring gamitin ng mga Local Government Unit (LGU) ang kanilang government budget para bumili nitong mga rapid testing kits.


Giit ni Gacula, ang perang gagamitin sa mass testing ay galing umano ito sa sarili nilang bulsa pero maliit na bagay lamang umano ito kung ikumpara sa buhay at kalusugan ng kanyang mga kababayan kung saan ang pera umano, pagnawala, puwede pagsikapan pero ang buhay umano ng tao ay hindi na kayang ibalik kapag ito’y nawala.

Dagdag pa ng alkalde na ang mga rapid testing kits na ito ay itu-turnover nila sa Taytay Emergency Hospital kung saan ang med tech at laboratory technicians ang mamamahala sa mga ito upang maayos at ligtas ang pagsasagawa ng mass testing kung saan 15 minuto lamang ang inaantay ay malalaman na agad ang resulta.

Facebook Comments