MASS TESTING SA LAHAT NG EMPLEYADO NG DSWD REGIONAL OFFICE 1, NAGPAPATULOY; PANG UNAWA NG PUBLIKO, IPINAKIUSAP

Patuloy na sumasailalim sa mass testing ang mga empleyado ng DSWD Field Office 1 sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng San Fernando, La Union upang maiwasan ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Kagawaran.

Nitong Lunes, October 4, 2021 nang magsimula ang tanggapan sa pagsasagawa ng mass testing dahil sa marami sa mga empleyado nito ang nagpopositibo sa COVID19 kung kaya’t nagsagawa sila ng ganitong aksyon.

Kaugnay nito, ang Kagawaran ay kasalukuyang nagtalaga ng Skeleton Workforce Arrangement hanggang sa susunod na abiso upang patuloy na makapaghatid ng maagap at mapagkalingang serbisyo.


Hiniling naman ng ahensiya ang pakikipag tulungan at pang unawa ng publiko kaugnay parin dito.

Samantala, para umano sa iba pang katanungan, maaaring mag-iwan ng mensahe sa official Facebook page – DSWD Field Office 1 o makipag-ugnayan sa (072)-687-8000.

Facebook Comments