Mass testing sa libu-libong seafarers, pinaghahanda ng PCG

Pina-plantsa na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsasagawa ng mass testing sa libu-libong Filipino seafarers na nasa mga cruise ships na nakadaong sa Manila Bay.

Ayon kay Coast Guard Commandant Admiral Josel Garcia, target nilang isailalim sa mass testing ang 4,179 na Pinoy seafarers na lulan ng 12 cruise ships na nakadaong sa Maynila.

Sa ngayon, naghahanda na aniya ang kanilang 15 trained personnel na magsagawa ng swab testing sa seafarers.


Plano rin ng coast guard na humingi ng saklolo sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa karagdagang trained personnel para sa malawakang swab testing.

Kayon nito na mapabilis ang pag-uwi ng mga naka-quarantine na Pinoy seafarers

Kapag natapos na ang proseso sa Pinoy crew members, isisunod naman ng coast guard ang iba pang umuwing OFWs.

Facebook Comments