Sinimulan na kahapon ang swabbing para sa mass testing ng COVID-19 sa mga pasyenteng hinihinalang nagtataglay ng nasabing virus.
Ayon kay Mayor Menchie Abalos, ito ay isinasagawa sa isang swabbing station sa lungsod na nasa ospital ng Mandaluyong.
Aniya, ang mga nakolektang specimen ay ipoproseso naman ng Philippine Red Cross gamit ang kanilang molecular laboratory.
Tinatayang 200 pasyente ang sumailalim sa swabbing kahapon.
Layunin nito, aniya, na malaman agad kung sino ang mga infected ng nasabing virus, upang ‘di na kumalat at makapanghawa pa.
Ito rin, aniya, na mabigyan ng agaran lunas at matulungan ang mga residente ng lungsod na magpopositibo sa COVID-19.
Matatandaan, lumagda ang Mandaluyong City ng isang kasunduan sa Philippine Red Cross para sa gagawing mass testing ng lungsod.