Mass Testing sa mga suspected at probable case ng COVID-19 sinimulan na ngayon sa  Mandaluyong City

Umarangkada na ngayong araw ang Mass Testing para sa mga residente ng Mandaluyong City na mga suspected at probable case ng COVID-19.

Isa-isang dinala kaninang alas dies ng umaga  ang mga indibidwal na may sintomas ng sakit at may mga nakasalamuhang positive case ng COVID-19 at isa-isa rin silang kinuhanan ng Swab Test sa isang Gym sa Brgy. Mauway Mandaluyong City.

Ayon kay Dr. Alex Sta Maria ng Mandaluyong Health Office,27 na nag nasawi sa Covid-19 at 36 naman ang narekober habang 311 ang kumpirmadong nagpositibo sa Covid 19 kung saan  4 ang kanilang Swabbing Booth at kaya umanong mag-accomodate ng hanggang 200 pasyente sa isang araw.


Paliwanag ni Dr. Sta.Maria ang Philippine Red Cross ang magpo-proseso ng Swab Test sa kanilang Polymerase Chain Reaction Machine na aabutin ng 1 hanggang 2 araw,at kapag lumabas na positibo, isasailaim sila agad sa Quarantine ng 14 na araw.

Maliban naman dito aniya ay may hiwalay din na Team na bababa naman sa mga Barangay uong magsagawa ng pagsusuri.

Facebook Comments