Mass testing sa Valenzuela City, 1 ang nagpositibo sa COVID-19

62 sa kabuuang 65 indibidwal na kinunan ng swab samples sa Valenzuela City ang negatibo sa COVID-19 habang  isa naman ang nagpositibo.

Limampu sa kabuuang bilang ay mga Patient Under Monitoring (PUM) at labing tatlo ang Patient Under Investigation (PUI).

Muli ding isinailalim sa testing ang dalawang COVID-19 patients at nanatiling positibo ang isa habang  negatibo naman ang isa pa .


Dalawang beses ding nag-negatibo sa virus ang isa pang recovered patient nang isalang din muli sa Testing.

Base sa pinakahuling datos ng Valenzuela City Government, nasa 59 na ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, anim ang nakarekober na at lima ang namatay.

Muling nag paalala ang pamahalaang lungsod sa lahat na manatiling nasa loob ng bahay at sundin ang social distancing para maiwasang mahawa ng virus.

Facebook Comments