Ginanap ang ResBakuna Kids – Mass Vaccination para sa mga estudyanteng may edad 5 – 17 taong gulang na nag-aaral sa 33 pampublikong paaralan ng City of San Fernando kung saan 2,703 ang nabakunahan.
Sa pangunguna ng Department of Education City Division Office at City Vaccination Task Force kasama ang Lorma Medical Center, Inc. at Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC), naisakatuparan ang simultaneous mass vaccination sa iba’t ibang paaralan.
Sa tulong ng mga barangay, naisulong ang aktibidad at nahikayat ang kanilang nasasakupan na magpabakuna.
Tumulong din sa vaccination sites ang Barangay Health Workers upang mas mapadali at maayos ang pangangasiwa ng bakunahan.
Dahil din sa pakikipagtutulungan sa iba’t ibang government offices tulad ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), mas napadali ang pagtulong sa Lorma upang maabot ang catchment schools o malalayong paaralan ng siyudad.
Nag-abot din ng tulong tulad ng pagpapahiram ng ambulansya at medical team ang ilang external partners gaya ng Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, at Philippine Air Force.
Iginiit ng lokal na pamahalaan na Mahalaga ang pagpapabakuna upang mabigyan ng proteksyon ang mga mag-aaral para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan. | ifmnews
Facebook Comments