Manila, Philippines – Ikinasal ang 19 na pares ng mga Pulis at non-uniformed personnel sa St. Joseph Church sa Kampo Crame ngayong umagang ito sa ilalim ng 2018 Mass Wedding Program ng Philippine National Police (PNP).
Ang pinakamataas na rangko ay sina PSUPT. Edwin at Analy Ellazar at PCI Francisco Panisan at Supt. Jeanne Panisan.
Habang ang pinakamatanda ay sina SPO4 Nelissa Tibor ng PNP Retirees Benefit System at asawang si Tomas Tibor na naka-wheel chair.
Sumailalim sa seminar ang 19 na Pares at nagsumite ng kanilang mga dokumento bago isinama sa mga nag-‘I DO’ sa araw na ito.
Nagsilbing ninong at ninang ay sina PDG ronald bato de la rosa, pddg ramon apolinario at pddg archie gamboa at kanilang mga maybahay.
Nasilbing Officiating Priest si Most Rev. Oscar Jaime Florencio, Apostolic Administrator ng Military Ordinaries of the Philippines.
Matatandaang nakansela ang unang schedule ng Mass Wedding noong February 14 para sana sa Valentines ngunit naipagpaliban dahil natapat ito sa pagtanggap ng award ni General De La Rosa sa Jakarta, Indonesia.
Pagkatapos ng kasalan ay may salu-salong inihanda para sa kanila ni General Dela Rosa at ng PNP sa Multi-Purpose sa Kampo Crame.
Nagbigay pa ng ilang tips si General Bato para sa matagumpay na pag-aasawa.
50-50 dapat lagi sa lahat ng bagay, balanse ang career at pamilya.
Payo pa nito sa mga lalaking ikinasal na ok lang na maging under de saya ng asawa, hindi aniya ito nakababawas sa pagkalalaki.
“Live with in your means, wag maghangad ng hindi kaya ng budget… Ihiwalay ang personal sa professional na buhay.”
At panghuling payo ni Dela Rosa sa mga pulis na nagpakasal walang first lady sa isang unit na pinamumunuan ni Mister, sa halip dapat last lady sa command.