MASSACRE | Sagay City gov’t, nag-alok na ng pabuya

Nag-alok na ng kalahating milyong piso pabuya ang Local Government Unit (LGU) ng Sagay City, Negros Occidental para sa makakapagturo sa mga pumatay sa siyam na magsasaka ng Hacienda Nene Barangay Bulanon.

Ang nasabing pabuya ay pinaghatian ng LGU ng Sagay at ni Governor Alfredo Marañon Jr.

Kinilala ang mga biktima na sina Eglicerio Villegas, Angelipe Arsenal, Pater, Dodong Laurencio, Morena Mendoza, Necnec Dumaguit, Bingbing Bantigue, Rafaela Barrera at kapwa 17-anyos na sina Jomarie Ughayon Jr. at Marchtel Sumicad.


Nilinaw naman Senior Superintendent Rodolfo Castil, na lima hanggang pito lang ang mga suspek taliwas sa mga naunang ulat na nasa 40 armadong kalalakihan ang umatake.

Bumuo na rin aniya ng Special Investigation Task Group (SITG), kasama ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para mag-imbestiga sa kaso.

Facebook Comments