MASSIVE ANTI-MEASLES VACCINATION SA PANGASINAN, PINAGHAHANDAAN NA NG PANGASINAN HEALTH OFFICE

Nasa planning stage na ang Pangasinan Health Office para sa isasagawang malawakang pagbabakuna para sa mga bata laban sa tigdas sa lalawigan.
Sa isang panayam sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Anna Teresa De Guzman, dahil umano sa naganap na pandemya sa buong mundo kung saan isa ang programa ng pagbabakuna sa tigdas sa mga bata ang naapektuhan.
Nakatakda umanong isagawa ang naturang malawakang pagbabakuna sa buwan ng Abril o Mayo ngayon taon.

Isasagawa ang naturang aktibidad dahil base sa datos ng kagawaran, umabot lamang sa 64% -68% ang naitalang nabakunahang mga bata sa lalawigan noong nakaraang taon na mababa sa 95% na target.
Patuloy naman ang monitoring ng ahensya sa kaso ng tigdas sa probinsiya na nagmumula pa sa kumpirmasyon ng naman sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Maynila.
Samantala, mayroong sapat na suplay ng vaccine laban sa tigdas ang probinsiya.
Hinikayat na naman ang mga Pangasinense na mag-avail na libreng bakuna laban sa sakit dahil ito ay libre lamang upang makamit ang mithiin ng ahensya na mapataas ang bilang ng mga nababakunahan laban sa sakit na tigdas. |ifmnews
Facebook Comments