Patuloy pa rin sa pagsulong ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at Provincial Health Office ukol sa pagbabakuna laban sa sakit na COVID-19.
Ito ang inihayag ng pamahalaang panlalawigan at ng PHO sa isang sesyon, kaugnay sa massive at agresibong information campaign ng pagbabakuna sa kabila ng patuloy na pagluwag ng restrictions at sa pagpasok ng bagong normal.
Layunin umano ng pagsulong nito ay upang hikayatin pa at upang mabigyan na sapat na kaalaman ang mga residenteng hindi pa nakapagpa-bakuna ng proteksyon laban sa virus na ito maging sa pagbibigay ng impormasyon at kaalaman ukol sa epekto at layunin ng bakunang ito sa kalusugan ng tao.
Sinabi naman ng pamahalaang panlalawigan at ng PHO na hindi naman umano maaaring obligahin ang mga ito na magpabakuna bagkus upang tulungan lamang ang mga Pangasinense na malayo sa maaaring mga sakit na tumama sa isang tao.
Samantala, bilang isa sa aksyon sa pagpuksa sa sakit na ito, patuloy umano sa pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad na makakatulong sa pagbabahagi ng bakuna sa mga Pangasinense gaya na lamang ng house-to-house at visitation sa mga bahay-bahay upang dalhin ang bakuna sa mga residente sa lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments