Massive Dredging Project ng DPWH sa Manila Bay, magsisimula na ngayong araw

Opisyal nang inilunsad ng Department Of Public Works And Highways (DPWH) ang full blast dredging ng Manila Bay ngayong araw na tinawag na DPWH Sagip Manila Bay.

Pinangunahan ni DPWH Secretary Mark Villar ang naturang proyekto na dinaluhan naman nina manila Mayor Joseph Estrada, Environment Secretary Roy Cimatu, Coast Guard Commandant Admiral Elson Hermogino at mga representante ng Department of Interior Local Government at Department of Tourism.

Ayon kay Secretary Villar, 28 equipments ang kanilang ipinakalat kabilang ang 50 katao na inaasahang mag sasagawa ng dredging sa loob ng 16 na oras kada araw, at 6 na araw kada linggo.


Dagdag pa ni Villar, papalo sa nasa 225,000 cubic meter ng burak ang inaasahang matatanggal sa 1.5km na huhukayin sa Manila Bay. Ito ung mula sa US Embassy hanggang sa may Manila Yacht Club.

Ayon naman kay DPWH Bureau of Equipments Director Noel Ilao, nahahati sa limang sector ang 1.5km na haba ng Manila Bay; tig 200 to 300 meters bawat sector at inaasahang idedredge ang bawat sector sa 90 – 120 days.

Paliwanag ni Villar na tuloy tuloy ang pakikipag coordinate ng DPWH sa DENR at PCG para sa regular monitoring sa Manila Bay.

Facebook Comments