Nanawagan ngayon ang mga health advocate na maglatag ang pamahalaan ng strategic information drive hinggil sa epekto ng anti-COVID-19 vaccine, bago ang isasagawang mass immunization.
Ayon kay Health Education at Reform Advocate Dr. Anthony “Tony” Leachon, marapat lang na magkaroon muna ng massive communication campaign ang pamahalaan at ipaliwanag sa publiko ang side effects ng anti-COVID-19 vaccine.
Giit ni Leachon, kahit simpleng allergy ang side effect ng bakuna, dapat alam pa rin ito ng mga taong mababakunahan upang hindi ito magdulot ng pangamba sa publiko.
Una nang nagbabala ang United Kingdom sa kanilang mamamayan hinggil sa serious allergic reaction ng anti-COVID vaccine na gawa ng Pfizer-BionTech, dalawang araw matapos na ipatupad ang mass immunization sa nasabing bansa.