Master list para sa test run ng pagbabakuna sa kabataang edad 12 hanggang 17, ipinapakumpleto na sa IATF

Nanawagan sa gobyerno ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Cebu na kumpletuhin na ang master list para sa test run ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa kabataang nasa 12 hanggang 17 taong gulang.

Ayon kay Inter-Agency Task Force (IATF) Visayas Chief Implementer General Melquiades Feliciano, ito ay para mapaghandaan ang pagbabakuna sa mga kabataan na sisimulan sa Metro Manila sa kalagitnaan ng Oktubre.

Sa ngayon, kumpleto na ang master list ng Naga City sa Metro Cebu pero ang ibang mga lokal na pamahalaan ay nagsasagawa pa rin ng master listing.


Batay pa sa pagtatayo ni Feliciano, nasa 12 percent ng kabuuang populasyon ng Metro Cebu ay edad 12 hanggang 17.

Facebook Comments