MASTER MIND | Head ng Cebu City Market Office, tinuturong utak sa ‘Rupinta ambush’

Cebu City – Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng head ng Cebu City Market Office na si Winefredo Miro matapos itong ituro na umano’y mastermind sa pag-ambush sa barangay captain ng Ermita na si Felicisimo Imok Rupinta.

Sa ulat ng pulisya, ilang witness ang nagtuturo kay Miro na siyang nag-utos na ipapatay ang kapitan.

Sinisilip na anggulo ng mga pulis ang naging alitan ng mga miyembro ng Vendors Association ng Carbon Public Market at ng kapitan kung saan kinampihan ni Miro ang mga vendors.


Si Rupinta ay naging kontrobersyal matapos itong suspindihin ng Ombudsman dahil sa hindi raw pakikipagtulungan nito sa Philippine Drug Enforcement Agency sa ginawang drug operation sa kanyang barangay at sa pagpapa-demolish nito sa ilang mga stall sa Carbon Public Market.

Facebook Comments