Monday, January 19, 2026

Master plan para sa major river basins, sinimulan nang i-update dahil sa mga bagong storm event—Singson

Sinimulan nang i-update ang master plan para sa 18 major river basin.

Ito ang sinabi ni dating Independent Commission for Infrastructure commissioner at ngayo’y DPWH part-time adviser Babes Singson.

Ayon kay Singson, pinagbabatayan nila ang update ng mga bagong storm event at climate change.

Hindi pa naman masabi ng dating DPWH secretary ang eksaktong estado ng pag-aaral sa master plan pero may ilang bahagi o component na aniya ang dapat nasimulan.

Kaya umanong tapusin sa loob ng 3-4 na taon ang mga nabanggit na proyektong papalo sa P800-P900 bilyon.

Ani Singson, naimplementa na sana aniya ang proyekto kung nagamit lamang ng tama ang P1.7-trilyong nakalaan sa flood control projects sa nakalipas na 10-taon o mula noong 2016.

Kumpiyansa naman ito na oras na ito’y ma-implementa ay maiibsan ang problema sa pagbaha ng proyektong saklaw ang 68 lalawigan.

Facebook Comments