Mastermind at kapatid ng napatay na Subic businessman na Dominic Sytin na si Dennis Sytin, dumating sa pagdinig ng DOJ

Lumutang na sa DOJ Matapos padalhan ng subpoena ng Dept. of Justice  si Dennis Sytin, sinasabing mastermind sa pagpatay  sa kanyang kapatid na si Subic businessman Dominic Sytin.

Kasabay nito, naghain ng kanyang kontra-salaysay si Dennis.

Dumating din sa pagdinig ang sinasabing gunman na nagturo kay Dennis Sytin bilang mastermind sa krimen na si Edgardo Luib.


Dalawa ring police officials na kasama sa mga testigo ang nagsumite ng kanilang joint affidavit.

Itinakda naman ng DOJ panel of prosecutors sa April 15 ang susunod na pagdinig kung saan pinagsusumite ang PNP-CIDG ng affidavit ng kanilang iba pang mga testigo.

Magsusumite rin ng karagdagang affidavit ang mga respondents na sina Dennis Sytin at Luib.

Una nang nagsampa sa DOJ ng reklamong murder at frustrated murder ang maybahay ni Dominic na si Ann Marietta Sytin, laban sa kanyang bayaw na si Dennis Sytin.

Bukod kina Luib at Dennis , kasama rin sa mga inireklamo sina  Oliver Fuentes, alias Ryan Rementilla, na kababata si Luib.

Si Dominic Sytin , founder at chief executive officer ng United Auctioneers, Inc. (UAI), ay binaril at napatay sa harap ng Lighthouse Hotel sa Subic Bay Freeport Zone noong Nov. 28, 2018.

Nasugatan din sa pamamaril ang bodyguard ng negosyante na si Efren Espartero.

Facebook Comments