Mastermind ng Pagadian City jailbreak, naaresto na

Pagadian City – Nasakote sa inilatag na malawakang manhunt operations ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Matalam, North Cotabato ang mastermind ng jailbreak sa Zamboanga del Sur Provincial jail na nakabase sa Pagadian City noong 2011.

Kinilala ang naaresto na si Tukan Guinale, tinuturong leader ng Tukan Group na gun-for- hire at responsable ng illegal drugs activities sa Zamboanga Del Sur at probinsya ng Lanao.

Si Guinale ang top number 4 most wanted person ng regional level at ngayo’y kasali na sa top most wanted person ng national level.


Base sa report ng pulisya, umabot sa mahigit 21 katao na ang napatay ni Guinale kaya’t patung-patong na kasong murder ang kanyang kinakaharap.

Ang suspek ang utak din umano sa jailbreak noong Pebrero 11, 2011 kung saan nakatakas ang pitong preso, na nagresulta sa pagkamatay ng jailgurad at ikinasugat ni Police Office 2 Richard Carreon.

Facebook Comments