Mastermind sa mga kaso ng vote buying, dapat ding papanagutin ng Comelec

Hinimok ng election watchdog na Kontra Daya ang Commission on Elections (Comelec) na panagutin ang mga nasa likod ng vote-buying incident.

Sinabi ito ni Kontra Daya Convenor Professor Danilo Arao sa panayam ng RMN Manila kaugnay sa natanggap na dalawang reklamo ng Comelec patungkol sa vote-buying.

Ayon kay Arao, noong nakaraang 2019 elections ay mayroong 170 indibidwal na naaresto na sangkot sa vote-buying.


Pero aniya, pawang mga supporters lamang ito at sa katunayan ay wala pang nakakasuhang kandidato laban dito.

Dahil dito ay umaasa si Arao na sa pamamagitan ng itinatag na Task Force: Kontra-Bigay ng Comelec ay mapanagot maging ang mga mastermind ng vote-buying incidents.

Facebook Comments