Masterplan para sa problema sa baha sa Metro Manila isinusulong; transparency sa pagbuo ng national budget, ipinanawagan

Nagsagawa ng Special Program Convergence Budgeting Steering Committee meeting ang Department of Budget and Management katuwang ang Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) at iba pang ahensiya ng pamahalaan para talakayin ang pagbuo ng masterplan sa pagtugon sa problema sa baha sa Metro Manila.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, mahalaga ang pagbuo ng masterplan lalo na’t sinabi na rin ito sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi naman ni DepDev Secretary Arsenio Balisacan na kailangan ng pangmatagalan at masinop na solusyon at target nilang kumpletuhin ang mga ito bago matapos ang administrasyon.

Sinabi pa ng kalihim na masyadong pinaglalaanan ng maraming pondo ang ibang programa gaya ng Ayuda sa Kapos Ang Kita Program o AKAP at Medical Assistance to Indigent Patient.

Samantala, nanawagan si Navotas Rep. Toby Tiangco ng transparency sa pag-apruba ng pambansang budget sa Kamara alinsunod na rin sa hininging reporma sa budget ni PBBM.

Dapat aniya patunayan ng liderato ng Kamara ang kanilang suporta sa panawagan ng Pangulo.

Facebook Comments