Personal na inihatid sa kani-kanilang bahay ng team ng LBMS o Laughter is the Best Magazine Show ang libreng prepaid home WiFi na napanalunan ng mga masusugid na tagapakinig ng DZXL 558 Radyo Trabaho.
Mismong mga anchor ng nasabing programa ang nagdala ng mga premyo kaya naman lubos ang kanilang saya dahil nakasama na nila ang mga ka-laughter na kanilang napapanood tuwing Sabado.
Unang pinuntahan ng team si June Santiago ng Quezon City na lagi aniyang nakatutok sa mga programa ng DZXL.
Nagpapasalamat ang kaniyang pamilya sa natanggap na premyo lalo na ang kaniyang anak na si Tim Santiago na nag-aaral ngayon sa kolehiyo.
Ayon kay Tim, malaking tulong ito sa kaniyang pag-oonline class lalo na ngayong may nararanasang pandemya.
Ayon naman kay Jeff Regaldo ng Caloocan City, gagamitin din sa pag-oonline class ng pito niyang kapatid at anim na pamangkin ang napanalunang WiFi.
Samantala, sunod namang pupuntahan ng LBMS team sina James Ryan Paloma at Celestine Canton sa Navotas City.
Sa ngayon, walo nang tagapakinig ang nakatanggap ng libreng prepaid home WiFi mula sa “WiFi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” promo.
Patuloy rin ang pamamahagi ng libreng prepaid home WiFi kaya tumutok lagi sa mga programa ng DZXL 558 para sa tsansa ring manalo.
Tumawag sa DZXL hotline 8882 2376 o kaya naman ay sumali online sa Facebook Page ng RMN DZXL 558 Manila.