Masungi Georeserve Foundation, umapela kay PBBM na ipawalang-bisa ang eviction notice sa property developer nito na Blue Star Corporation

Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Masungi Georeserve Foundation na ibasura ang eviction notice sa property developer nito na Blue Star Construction Corporation.

Kasunod ito ng eviction notice ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Masungi Georeserve na nag-ugat sa umano’y patong-patong na paglabag sa kontrata nito sa pamahalaan.

Sa isang statement, sinabi nito na magreresulta ito sa pagkasira ng kagubatan sa Masungi bunsod ng mahigit sandaang foresters na hindi na magagawang protektahan ang mga yamang gubat.


Nanawagan naman sa DENR ang Blue Star na resolbahin nang patas ang isyu para sa ikabubuti ng kalikasan at ng susunod na henerasyon.

Una nang kinansela ng pamahalaan ang kontrata sa pagitan ng nasabing kompanya dahil sa kabiguan nitong makapagtayo ng mahigit 5,000 pabahay at kawalan ng patunay na dumaan ito sa regular na bidding process.

Facebook Comments