
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isailalim muna sa masusing validation ang lahat ng datos kaugnay ng pinsalang iniwan ng Bagyong Tino bago ito tuluyang ianunsyo sa publiko.
Kabilang sa mga kailangang beripikahin ay ang bilang ng mga nasawi at nasugatan, halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura, at dami ng mga pamilyang nawalan ng tirahan o napilitang lumikas dahil sa pananalasa ng bagyo.
Partikular na tinukoy ng Pangulo ang mga rehiyong matinding tinamaan ng bagyo gaya ng Cebu, Region 6, Region 8, MIMAROPA, at Negros Island Region, kung saan inaasahan ang “significant number” ng mga apektadong residente.
Sa kabila nito, tiniyak ni Marcos Jr. na tuloy-tuloy ang relief at support operations para sa mga nasalanta, habang tinitiyak ng gobyerno na tama, totoo, at kumpleto ang datos na pagbabatayan ng tulong at rehabilitasyon.









