Iginiit ng Department of Health (DOH) na masyado pang maaga para sabihin kung umeepekto ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR plus bubble.
Ito ang sagot ng DOH sa initial assessment ng isang eksperto na posibleng hindi gumagana ang MECQ dahil patuloy pa ring lumolob ang COVID-19 cases.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aabutin pa ng ilang araw bago malaman ang magiging impact ng mahigpit na lockdown sa bilang ng mga kaso.
Mahalaga ring tingnan kung lumuwag ang mga ospital at ang pagtatatag ng triage system sa mga Local Government Unit (LGU).
Nabatid na pangamba ni OCTA Research Group Fellow Professor Guido David na posibleng hindi gumagana ang MECQ para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila dahil ang negative growth rate na naitala noong dalawang linggong ECQ ay nawala nang luwagan ang restrictions.