MASYADONG MAHIGPIT | Mga pinuno ng COA gustong kausapin ni PRRD

Manila, Philippines – Nagpahayag ng interes si Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang pamunuan ng Commission on Audit (COA) matapos ang pagsiwalat nito na marami nang mga investments ang hindi nakapasok sa bansa.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, masyadong mahigpit ang COA kaya humina ang mga investment contract na pinapasok ng gobyerno.

Dahil aniya dito ay natetengga ang mga itinatayong negosyo o proyekto na naging dahilan kung bakit hindi naging mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.


Kaya naman sinabi ni Pangulong Duterte na dalawang bagay lamang ang maaaring mangyari para magkaharap sila ng COA at ito ay puntahan niya ito sa Quezon City o di naman kaya ay papuntahin niya ang mga ito sa Malacañang.

Sinabi pa ng Pangulo na marami siyang dapat planstahin sa COA.

Binanggit din ni Pangulong Duterte na imbes na maglabas ng opinion ang COA na haharang sa pag-usad ng proyekto ay mas magandang gumawa na lang ng paraan para magtuloy-tuloy ang mga proyekto sa bansa.

Facebook Comments