Nakapagtala ng mataas na anxiety level sa mga Pinoy millennials at Gen Z.
Batay ito sa isinagawang survey ng Deloitte Global kung saan 48% ng mga Filipino millennials at 68% ng Gen Z generation ay madalas nakakaranas ng anxiety.
Itinuturong dahilan ng anxiety ng mga Gen Z ay ang mga sumusunod:
• Long Term Financial Future
• Day to Day Finances
• Mental Health
• Personal Relationships
Habang ang dahilan naman ng anxiety na mga Pinoy millennials ay ang Mental Health at Long Term Financial Future.
Isinagawa ang survey noong November 2021 hanggang January 2022 sa 46 na bansa kabilang ang Pilipinas kung saan nasa 300 Filipino Gen Z at 100 millennials ang lumahok dito.
Ilan sa ibinigay na pamamaraan ng Anixety and Depression Association of America upang maiwasan ang anxiety at stress ay ang mga sumusunod:
• Mag-ehersisyo
• Kumain nang tama
• Iwasan ang alak at kape
• Matulog nang sapat
• Makipag-usap sa kaibigan at Kapamilya