Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 12, 2021, pitumpu’t anim (76) na panibagong kaso ang naitala ng probinsya na kung saan ang dalawampu’t apat (24) ay mula sa Santiago City; labing lima (15) sa Cabagan; siyam (9) sa Roxas; tig-aanim (6) sa City of Ilagan at Jones; apat (4) sa Sta. Maria; tig-dadalawa (2) sa bayan ng Naguilian, Burgos, Luna, Alicia, at tig-iisa (1) naman sa bayan ng Reina Mercedes, Delfin Albano, Sto Tomas at Echague.
Mayroon namang bagong gumaling na labing pito (17) at ngayon ay umaabot na sa 5,093 ang total recovered cases sa probinsya.
Sa kasalukuyan umaabot na sa 5,880 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa probinsya; 674 ang aktibong kaso at 113 ang nasawi.
Mula sa bilang ng aktibong kaso, 555 rito ay Local Transmission; walumpu’t tatlo (83) na Health Workers; labing siyam (19) na Locally Stranded Indviduals (LSIs); labing anim (16) na kasapi ng PNP at isang (1) Returning Overseas Filipino (ROF).