Mataas na Bilang ng Bagong Positibo sa COVID-19, Naitala sa Isabela Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng mataas na bilang ng bagong positibo sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa impormasyon na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, limampu’t pito (57) ang naitalang bagong kaso kung saan dalawampu (20) ang naitala sa Lungsod ng Ilagan; labing isa (11) sa San Mariano; walo (8) sa Naguilian at Luna; tatlo (3) sa Lungsod ng Cauayan; dalawa (2) sa bayan ng Ramon; at tig-isa (1) sa bayan ng Angadanan, Echague, Palanan, at Reina Mercedes.

Gayunman, nakapagtala naman ng labing walo (18) na gumaling sa COVID-19 ang Isabela at ngayo’y umaabot na sa 3,352 ang total recovered cases.


Bagamat may mga gumaling sa COVID-19 ay nasa 458 pa rin ang bilang ng aktibong kaso sa Isabela mula sa 3,871 na total confirmed cases.

Mula sa bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya, anim (6) rito ay nga Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); dalawampu’t limang (25) Health Workers at pulis; at 401 na Local Transmission.

Facebook Comments