Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 ngayong linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 50 at higit pa bawat araw ang naitatalang patay dahil sa COVID-19 mula Enero 23 hanggang Enero 29.
Ito aniya ay dahil sa late reporting ng mga namatay na ngayon lang nila naitala sa tulong ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Bukod dito, hindi rin kompleto ang datos na ibinibigay sa kanila ng disease reporting units.
Paliwanag pa ni Vergeire, nai-report na itong mga namatay ng kanilang mga lokal na pamahalaan o ospital.
Pero dahil kulang-kulang ang datos ay nanatili silang aktibong kaso sa record ng kagawaran.
Ang mga namatay na may kulang-kulang na datos ay ipinadala sa PSA at doon lang natukoy ang tamang petsa ng kanilang pagkamatay.