Mataas na bilang ng mga nasasayang na COVID-19 vaccine, isinisi ng DOH sa mababang interes ng publiko at maiksing shelf life nito

Iginiit ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na maiuugnay ang pagkasira ng mga bakuna kontra COVID-19 sa mas mababang interes ng publiko at maiksing shelf life nito.

Matatandaang kamakailan lamang ay inihayag ng DOH na nasa 44 million COVID-19 vaccines na sa bansa ang nasayang.

Ayon kay Vergeire, sa kabila ng mga pagsisikap ng ahensya at ng pamahalaan ay mababa pa rin ang uptake ng mga Pilipino sa pagbabakuna.


Bukod dito, mas maiksi rin aniya ang shelf-lives ng COVID-19 vaccine kumpara sa mga bakuna sa ibang sakit.

Hindi lang naman aniya ang Pilipinas ang nakararanas ng pagkasira ng mga bakuna kundi maging ang ibang bansa rin.

Paliwanag pa ni Vergeire, naaabot na ng bansa ang rurok o peak ng vaccination rates noong Disyembre 2021, pero nagsimula itong bumaba noong Enero 2022.

Facebook Comments