Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw ang Lungsod ng Cauayan.
Sa datos ng Department of Heallth (DOH) Region 2, dalawampu’t dalawa (22) ang naitalang bagong positibo sa COVID-19 na kinabibilangan ng mga health workers.
Ang mga nagpositibo ay sina CV2982, isang nurse na babae sa Dr. Ester R. Garcia Medical Center (ERGMC), 30 taong gulang, residente ng Barangay District 3; CV 2983, lalaki, 27 taong gulang, residente ng Barangay Cabaruan, nurse din ng ERGMC; si CV 2984, 48 taong gulang na lalaki, may asawa at residente ng Barangay Union; CV 2985, 28 taong gulang na babae, may asawa at residente ng Barangay Villa Luna.
Anim sa naitalang nagpositibo ay mga magkakapamilya na sina CV2987, 2988, 2989, 2990, 2991, CV 3024 na nahawaan din ng kapamilyang positibo na si CV 2908, mga residente ng Barangay District 1.
Tatlo naman sa mga nagpositibo ay sina CV 2999, CV 3000, at CV 3001 na mga kamag-anak ng nagpositibong si CV 2915. Sila ay mga residente ng Barangay Turayong.
Sumunod ay sina CV 3012, 55 taong gulang na lalaki, may asawa, residente ng Barangay San Fermin; si CV 3013, 70 taong gulang na lalaki, may asawa, residente ng Barangay San Fermin; sina CV 3014, at CV 3015 na mga naging direct contact ni CV 2919, na pawang mga residente ng Barangay District 1.
Dalawa din sa mga nagpostibo ay mga direct contact ng nagpositibong si CV2949. Ang mga ito ay sina CV 3016, babae, 40 years old, residente ng Barangay San Fermin, at si CV 3017, babae, 43 years old na residente ng District 1.
Kabilang din sa mga nagpositibo sina CV 3022, 25 taong gulang na babae, Secretary ng Asia Consumer, residente ng Barangay District 1; CV 3023, 59 taong gulang na lalaki, may asawa, residente ng Barangay District 1; si CV 3025, 31 taong gulang na lalaki, residente ng Barangay District 1. Siya ay namamasukan bilang Nurse at may direct exposure sa kanyang asawa na si CV 2852.
Ang mga nabanggit na positibo ay mga kapamilya at direct contact ng mga unang positibong naitala noong mga nakaraang araw sa Lungsod at mga suspect cases o mga nagpakita ng sintomas at nakipag-ugnayan sa barangay at City Health Office.
Nagpapatuloy naman ang pagsasagawa ng contact-tracing ng City Health Office upang matukoy ang sanhi ng exposure at ang mga posibleng nakasalamuha ng mga bagong positibong kaso.