Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng gumaling sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 23, 2021, limampu’t pito (57) ang naitalang bagong gumaling sa COVID-19 sa probinsya habang labing dalawa (12) naman ang bagong positibo.
Dahil dito, umakyat sa 4,642 ang kabuuang bilang ng nakarekober habang 5,087 ang total confirmed cases.
Mula naman sa labing dalawa (12) na bagong kaso ngayong araw, ang tatlo (3) ay naitala sa bayan ng Alicia; tatlo (3) sa Cauayan City; dalawa (2) sa Santiago City; at tig-isa (1) sa bayan ng Delfin Albano, Gamu, Naguilian, at San Mariano.
Ang Isabela ay mayroon na ring 99 na nasawi na positibo sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, bahagyang bumaba sa 347 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Pinakamarami rito ang Local Transmission na may 305; dalawampu’t tatlong (23) health workers; labing apat (14) na pulis at limang (5) Locally Stranded Individuals (LSIs).