Mataas na buwis sa tobacco products, makatutulong sa implementasyon ng Universal Health Care Act

Manila, Philippines – Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na makakatulong ang pagtaas sa buwis na ipinapataw sa mga tobacco products sa long-term implementation ng bagong batas na Universal Health Care Act.

Sinabi ni Duque na kakailanganin ang dagdag na sin taxes na ito, hindi bilang revenue measure kundi para sa health measure.

Nabatid kasi na mangangailangan ang gobyerno ng P257 billion para sa unang taon ng implementasyon ng Universal Health Care Act.


Kukunin ang pondo mula sa membership contribution, DOH, government subsidy at kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Bukod dito, naniniwala din ang kalihim na makakatulong sa subsidiya ng gobyerno ang pagpataw ng dagdag na buwis sa tobacco products.

Facebook Comments