Mataas na COVID-19 cases kada araw, asahan na – DOH

Asahan na ang mas mataas na bilang ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases sa mga susunod na araw matapos maghigpit ng requirements ang Department of Health (DOH) sa mga laboratoryo.

Kasunod ito ng hinaing ng mga Local Government Unit (LGU) na hindi sila makapagsagawa ng contact tracing dahil sa hindi kumpletong detalye ng mga pasyente.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung dati ay pinapayagan ang kulang-kulang na submission, ngayon ay kailangang may kumpletong address at contact number ang mga magpopositibo sa COVID-19.


Aniya, kailangang kumpleto ang mga nasabing detalye sa pag-submit ng mga laboratoryo sa online system ng gobyerno.

Tiniyak naman ng opisyal na iha-highlight ng DOH kung alin sa mga kaso ang late nang nai-report.

Nagpalala naman ang DOH sa lahat ng disease reporting units na siguruhin ang mga impormasyon na kanilang ibibigay at magagamit lalo na sa contact tracing team.

Facebook Comments