Mataas na demand ng faceshield sa international market, kinuwestiyon ni Senator Lacson

Kinuwestiyon ni Senator Panfilo Lacson ang mataas na demand sa faceshield sa international market gayong Pilipinas lamang ang gumagamit nito.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon, idinahilan ni dating Department of Budget (DBM) Undersecretary Christopher Lao ang mataas na demand ng faceshield sa mataas nitong presyo.

Aniya, walang local producer ng faceshield sa Pilipinas kaya nag-import sila sa ibang bansa dahilan para tumaas ang presyo ng face shield.


Matatandaang sa mga nakalipas na pagdinig ay kinuwestiyon din ng mga senador ang pagbili ng Department of Health (DOH) sa mga facemask at faceshield na aabot sa 27.72 pesos at 120 pesos kada piraso.

Facebook Comments