Mataas na demand ng kuryente sa tag-init, pinaghahandaan na

Pinaghahandaan na ng Meralco ang mataas na demand sa kuryente ngayong panahon ng tag-init.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, walang dapat ikabahala ang publiko dahil mayroong silang sapat na supply ng kuryente.

Maliban rito, sinabi ni Zaldarriaga na pinaghahandaan na rin nila ang supply ng kuryente sa 2019 midterm election sa Mayo.


Aniya, ilalagay nila sa general alert ang araw ng eleksyon para matiyak ang maayos na botohan.

Facebook Comments