Mataas na demand sa kuryente, asahan sa Mayo – Meralco

Nagpaalala ang Meralco sa publiko na paghandaan ang buwan ng Mayo.

Ito ay sa gitna ng magkakasunod na red at yellow alert sa Luzon Grid dahil sa pagnipis ng reserbang kuryente.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, tuwing buwan kasi ng Mayo ay naitatala ang pinakamataas na demand sa supply ng kuryente bunsod ng tumitinding init.


Giit ni Zaldarriaga, mahalagang magkaroon ng karagdagang supply sa hinaharap lalo’t patuloy ang pagtaas sa demand sa kuryente bunsod ng lumalaking ng populasyon.

Facebook Comments