Cauayan City, Isabela- Nasa ‘critical’ risk classification ang Health Care Utilization Rate (HCUR) ng City of Ilagan, Isabela habang ‘High’ risk classification naman sa Santiago City batay sa talaan ng Department of Health (DOH) Region 2.
Sa datos ng ahensya, naitala ng City of Ilagan ang 88.37 HCUR habang 70.25 HCUR ang Santiago City.
Naitala naman ng probinsya ng Cagayan ang 85.06 habang Tuguegarao City na may 85.05 Intensive Care Unit Utilization kung saan naikategorya ang mga ito sa ‘critical’ risk classification.
Samantala, kabilang naman sa Alert Level 4 ang City of Ilagan at Santiago City sa harap pa rin ng mataas na kaso ng COVID-19.
Paglilinaw ng DOH, ang alert level system na ito ay base lamang sa kanilang assessment at hindi ng National IATF.
Bukod pa dito, naitala naman ang mataas na Health Care Utilization Rate for Referrals Hospital sa Cagayan Valley Medical Center at Southern Isabela Medical Center kung saan nasa ‘high risk’ classification ang mga ito.
Facebook Comments